Distribution of fiber glass boats

Infanta, Quezon | March 22, 2022
Pormal na ipinagkaloob ni Quezon KALIPI President Atty. Joanna Suarez kasama kinatawan mula sa DILG ang 25 motorized fiberglass boats sa ating mga kababayang mangingisda sa bayan ng Infanta katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naghandog ng pagsasanay para sa ating mga mangingisda.
Tuloy tuloy po ang ating suporta para sa kanilang kabuhayan.

Read More
Governors DES Inter-LGU Homegrown Basketball Tournament

TINGNAN | Ilang mga larawan na kuha mula sa ginanap na Governor DES Inter-LGU Homegrown Basketball Tournament sa Brgy. Dinahican Covered Court kung saan ay maghaharap-harap ang mga koponan mula sa iba't-ibang bayan sa lalawigan ng Quezon upang masubok ang kanilang lakas, tatag at galing sa larangan ng basketball.
Nag harap sa 2nd Game ang Infanta at Polillo. Nasungkit ng ating koponan ang panalo sa score na 113-79 na pinamumunuan ni Head Coach Wilfredo Ariola, Asst. Coach Francis Palanca, Trainer Robert Babas, Utility Eric Astejada at Team Manager Roy Ian Resplandor.

Read More
Women's Month Schedule of Activities

Samahan ninyo kami ngayong buong buwan ng Marso na ipagdiwang ang ating mga kababaihan.
Ang Lokal ng Pamahalaan ng Infanta ay kaisa ni #Juana sa Agenda ng Kababaihan Tungo sa Kaunlaran.
Magsuot ng purple shirt tuwing Martes para sa ating #PurpleTuesdays2022 #PurpleTuesday at ipakita ang ating suporta kay Juana!
#WeMakeChangeWorkForWomen
#AgendaNgKababaihan
#AgendaNgKababaihanTungoSaKaunlaran

Read More
2022 First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED)

Nakiisa ang Lokal na Pamahalaan sa 2022 First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong araw. Layunin ng aktibidad na ito na maging handa ang lahat sa sakuna ng lindol.
Nag bigay hudyat ang MDRRMC upang mag DUCK, COVER and HOLD ang bawat isa.
Dahil dito sa Infanta, Ikaw ang BIDA, BIDA ang may BAKUNA, BIDA ang HANDA!

#MabuhayKaInfanta
#LGUInfantainAction
#ForGReAterInfanta

Read More
Governors DES Inter-LGU Homegrown Basketball Tournament

Quezon Convention Center | March 9, 2022

Pormal nang sinimulan ngayong March 9, 2022 ang Governor DES Inter-LGU Homegrown Basketball Tournament kung saan ay maghaharap-harap ang mga koponan mula sa iba't-ibang bayan sa lalawigan ng Quezon upang masubok ang kanilang lakas, tatag at galing sa larangan ng basketball.
Pinasinayaan ni Gov. Danilo Suarez ang unang laro ng torneo kung saan ay naging magkatunggali ang mga bayan ng Infanta at Sampaloc.
Patuloy rin ang pag-obserba sa health protocols at sinisiguro ng pamunuan na ligtas ang isinasagawang kompetisyon.

Read More
APELA SA PUBLIKO

Nananawagan po ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa mga konsernadong mamamayan na nakakita sa naganap na pamamaril sa ating Punong Bayan Filipina Grace R. America na kayo ay makipagtulungan sa ating kapulisan upang mas mabilis na madakip at mapanagot sa batas ang may kagagawan ng krimeng ito.
Mangyari pong makipag-ugnayan sa Infanta MPS sa mga numerong 09985985754/ (042) 535-3642 o sa Tanggapan ng Punong Bayan sa mga numerong (042) 535-4248.

Read More

Pages