PANUNUMPA NG MGA BAGONG OPSIYAL NG KANLUNGAN INC.
Marso 10, 2023 Pinangasiwaan ngayong araw ni Punong Bayan Filipina Grace R. America ang panunumpa ng mga bagong mamumuno ng KAISAHAN NG MGA LAYUNING NAKA-UGAT SA MGA GAWAING NAG-UUGNAY (KANLUNGAN) INC. Nanumpa bilang bagong Pangulo si Nolito Resplandor at iba pang mga nahalal na opisyal sa harap ng ating Punong Bayan. Ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta ay kinikilala ang kahalagahan ng Kanlungan Inc. bilang katuwang sa pag unlad ng ating bayan at pag bibigay ng kahalagahan at importansya ng karapatan ng bawat isa. Read More |

PULONG KAUGNAY SA CUAGO CREEK
Marso 10, 2023 Ngayong araw ay nagkaroon muli ng pagpupulong na pinangunahan ng ating Punong Bayan Filipina Grace R. America kaugnay sa mga usaping patungkol sa Cuago creek. Dinaluhan ito ng mga miyembro ng Sangguniang Barangay ng Pilaway at Comon, Engr. Susan America-Municipal Planning and Development Coordinator, Engr. Maria Jesusa Bugayong-Engineer III, G. Rodolfo T. Morilla Jr.-Municipal Government Department Head - Muncipal Assessor, G. Brylle Borreo-Planning Office I, B. Hazel Nuque at B. Cecille Francia mula sa tanggapan ng Punong Bayan. Read More |
LTO E-PATROL CARAVAN
Marso 10, 2023 Sa pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta, Quezon sa pamumuno ng ating Punong Bayan Filipina Grace R. America at ng Land Transportation Office, magsasagawa muli ng LTO e-Patrol Caravan sa ating bayan sa Marso 13-17 , 2023, 8:00 A.M. - onwards sa Bagsakan Center, Brgy. Comon, Infanta, Quezon. Bukas sa lahat ng INFANTAHIN ang LTO Services gaya ng: |
PABATID SA PUBLIKO
KUNG SINO MAN ANG NAGMAMAY-ARI NG BACK HOE EQUIPMENT NA NAKALARAWAN NA MATATAGPUAN SA 10.0 HECTARES LGU-INFANTA RELOCATION/RESETTLEMENT SITE SA SITIO NEW LITTLE BAGUIO, BARANGAY MAGSAYSAY, INFANTA, QUEZON AY MANGYARI NA MAKIPAG-UGNAYAN SA TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BARANGAY NG BARANGAY MAGSAYSAY, O SA TANGGAPAN NG PAMAHALAANG BAYAN NG INFANTA (MENRO OFFICE) O SA DENR-CENRO, REAL, QUEZON LABINLIMANG ARAW (15 DAYS) MULA SA IKA -16 NG MARSO 2023 HANGGANG SA IKA-30 NG MARSO 2023. Read More |
LGU INFANTA JOINT INSPECTION TEAM (JIT), TULOY-TULOY PARIN ANG ISINASAGAWANG PAG-IINSPEKSYON SA MGA RESORT
Marso 9, 2023 Sa atas ng ating Punong Bayan Filipina Grace R. America, ang ating Joint Inspection Team (JIT) ay tuloy-tuloy parin ang isinasagawang pagbisita at pag iinspeksyon sa mga business establishments sa ating bayan. Ilan lamang ang mga nasa larawan ng kanilang ginawang pag-iikot sa mga resort sa Brgy. Dinahican. Sinamantala na din ang pagkakataong ito upang masiyasat ang mga resort kung mayroong mga first aid kit at first responders kung magkaroon man ng insidente lalo't papalapit na ang Semana Santa kung saan dumadagsa ang mga turista sa ating bayan. Read More |