SENIOR CITIZEN GENERAL ASSEMBLY, GINANAP

DISYEMBRE 28, 2022

Ngayon araw ay naganap ang isang pag pupulong kasama ang ating mga kababayan mula sa sektor ng Senior sa Pambayang Bulwagan. Ang pagpupulong na ito ay upang magnomina sa kanilang mga miyembro ng susunod na magiging Pangulo ng samahan ng mga Senior Citizen.
Pinangunahan ito ng mga kawani mula sa Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) sa ilalim ng Tanggapan ng Punong Bayan katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD).

Read More
Infanta Quezon First 1000 days of Life (iQ1k) LAUNCHING AND GENERAL ASSEMBLY

DISYEMBRE 28, 2022

Read More
PAMAMAHAGI NG HEIGHT BOARD AT WEIGHING SCALE, GINANAP

Disyembre 27, 2022
Sa Pangunguna ng ating Punong Bayan Mayor Filipina Grace R. America at G. John Paul Maglantay, Municipal Nutrition Action Officer (MNAO) ay namahagi ng weighing scale at height board sa ating mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) mula sa iba't-ibang panig sa ating bayan.
Ang mga kagamitan na ito ay makakatulong sa ating mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) upang makuha ang tamang datos ng mga batang Infantahin sa tuwing sila ay umiikot sa kanilang mga nasasakupang lugar.

Read More
FISHER FOLKS MANAGED SAVINGS AND CREDITED ASSISTANCE (FiMSCA) FOR MARGINALIZED FISHER FOLK SECTOR- ISANG PROYEKTONG HANDOG NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG INFANTA

DISYEMBRE 27, 2022
Ginanap ang paggagawad ng livelihood support sa pamamagitan ng proyektong Fisher Folk Managed Savings and Credited Assisistance o FiMSCA sa mga marginalized fisher folk sector sa bayan ng Infanta. Nagkaloob ang ating lokal na pamahalaan ng nagkakahalagang PhP. 1,575,000.00 bilang suporta sa nasabing sector na natanggap at paghahati-hatian ng labing-anim (16) na sumusunod na mga samahan mula sa ating bayan:
1. Samahan ng mga Magsasaka at Mamumusit ng Barangay Anibong Kababaan (SAMMABAK)

Read More
MENSAHE NI PUNONG BAYAN FILIPINA GRACE R. AMERICA NGAYONG KAPASKUHAN

Ipinapahatid ng ating mahal na Punong Bayan Filipina Grace R. America ang kanyang mensahe na puno ng pagmamahal, pag-asa at inspirasyon para sa lahat ng Infantahin ngayong Pasko at Bagong Taon.

Read More
GAWAD KAAGAPAY AWARDING CEREMONY 2022

Disyembre 21, 2022
Ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta, Quezon sa pamumuno ni Mayor Filipina Grace R. America ay binigyan muli ng pagkilala at tumanggap ng Plaque of Appreciation mula sa Department of Education (DepEd) Quezon sa mahalagang ambag nito at patuloy na pagbibigay ng suporta sa Adopt-A-School Program (ASP) ng Division, at sa iba pang mga programa at proyekto na may kaugnayan sa pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon para sa mga kabataan.

Read More

Pages