Mayor's 62nd Birthday Celebration

DISYEMBRE 19, 2022
Ngayong araw ay nagkaroon ng isang simpleng pagdiriwang ng kaarawan ang ating Mahal na Punong Bayan sa kanyang tahanan.
Ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta ay bumabati ng isang Maligayang Kaarawan sa ating Mahal na Punong Bayan at nagpapasalamat sa kanyang mga nagawa upang mailapit sa bawat Infantahin ang serbisyo ng gobyerno at mapaganda ang kalidad ng pamumuhay sa ating bayan.
Hangad po namin ang inyong agarang paggaling at nawa ay pagpalain pa ng ating Panginoon.

#MabuhayKaInfanta
#LGUInfantainAction
#ForGReAterInfanta

Read More
PUGAY TAGUMPAY

DISYEMBRE 19, 2022

Matagumpay na isinagawa ang Pugay Tagumpay ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa pangunguna ng ilang kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD) kasama sina PSSG. Misiel S. Acurin, Women and Children Protection, Infanta-MPS, at iba pang mga kawani mula sa iba't-ibang tanggapan.

Read More
QUEZONIAN CHRISTMAS COOKING CONTEST

CHRISTMAS DISH COOKING CONTEST
DISYEMBRE 16, 2022
Ngayong araw ay ginanap ang Christmas Dish Cooking Contest sa Perez Park, Lucena, City.
10 kalahok mula sa iba't-ibang panig ng ating lalawigan ang magtatagisan ng galing sa pag luluto ng mga putaheng Quezonian na maaring ihain tuwing Noche Buena.
Si Bb. Jessa Rodriguez ang kinatawan ng ating Bayan sa paligsahang ito at steamed duck with fried misua ang kanyang niluto para sa mga hurado.
Sa huli ay itinanghal na nagwagi ang representante mula sa Guinayangan sa kanyang lutuing "COCO CAJUN SEAFOOD BOIL".

Read More
GAWAD NG PAGKILALA SA MUNICIPAL PEACE AND ORDER COUNCIL PARA SA TAONG 2019 AT 2021

DISYEMBRE 13, 2022
Ngayong araw ay nasilayan na ng ating Punong Bayan Mayor Filipina Grace R. America ang mga Plaque of Recognition na iginawad sa ating bayan sa nakaraang Joint Regional Awarding Ceremony na ginanap sa Lucena City.

Ginawaran ng Plaque of Recognition ang MPOC ng Infanta, Quezon para sa pagiging isa sa mga Functional sub-national POCs sa ginawang Peace and Order Council Performance Audit para sa taong 2019 at 2021. Ito ay pagkilala sa ipinakitang dedikasyon ng ating bayan upang patuloy at parating makamit ang kapayapaan at pagunlad sa ating komunidad.

Read More
COURTESY CALL OF RTC LUCENA

DECEMBER 13, 2022
Ms. Sheila N. Camposano, Sheriff IV, RTC-OCC, Lucena City and Ms. Arlene A. Cea, Sheriff IV, RTC-OCC. Lucena City paid a courtesy visit with Mayor Filipina Grace R. America today at her Home Office.

In the said meet & greet, Ms. Camposano & Ms. Cea discussed the foreclosed properties within the Municipality and answered some usual queries. The meeting was also attended by Hon. Cherry Macasaet.

The Local Chief Executive welcomed the guests and signified her support and guidance to their efforts and initiatives.

Read More
BINONOAN PRODUCERS COOPERATIVE (BIPCO), BINIGYANG PAGKILALA NG DEPARTMENT OF TOURISM REGION IV-A (CALABARZON)

Disyembre 12, 2022

Pagbati sa Binonoan Producers Cooperative (BIPCO) na binigyan ng pagkilala ng Department of Tourism Region IV-A bilang isa sa mga katuwang na Comminunity Based Tourism Organization sa pagpapaunlad ng turismo sa rehiyon. Salamat po sa inyong suporta at patuloy na pagsisikap!

#TaraNaSaQuezon
#MabuhayKaInfanta
#KataNaSaInfanta
#iHAYINsamundo

Read More

Pages