Local News

MUNICIPAL PORT PHASE 2 UPDATE

SETYEMBRE 20, 2022

Nasa final phase na ng konstruksyon ang gusali sa Brgy. Dinahican na kasama sa plano ng Lokal na Pamahalaan na Municipal Port Phase 2.

Ang Proyekto na ito ay may habang 20 metro at may lapad na 8 metro mula ito sa 20% Economic Development Fund o EDF at natukoy ng Municipal Development Council (MDC) kung saan ang ating Punong Bayan ang Chairperson. Ang proyektong ito ay iniimplement naman ng Tanggapan ng Pambayang Inhinyero.

Pagkonkreto ng Brgy. Anibong, Amolongin at Binonoan barangay roads sinimulan na

Sinisimulan na ang pagkonkreto ng mga barangay roads sa tatlong barangay ng Anibong, Amolongin at Binonoan, bayan ng Infanta, Quezon. Ginanap ang Ground Breaking Ceremony na pinangunahan ni Punong Bayan Filipina Grace R. America noong ika-11 ng Enero, 2018 sa boundary ng Brgy. Anibong at Binonoan. Ang nasabing seremonya ay dinaluhan din ni Halig Punong Bayan Noli H. Villamor kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga LGU Department Heads, ni Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) Alely P. Ditalo ng Department of the Interior and Local Government (DILG), at ng mga miyembro ng Sangguniang Barangay ng mga nabanggit na lugar sa pangunguna ng kanilang Punong Barangay na sina PB Lauro O. Poblete ng Brgy. Anibong, PB Elmer M. Mortiz ng Brgy. Binonoan at PB O.I.C. Iflora P. Porqueriño ng Brgy. Amolongin. 

Subscribe to RSS - Local News