News

Agri Forum/ Summit Theme: "Sustainable Organic farming Nourishing the Future"

Naganap ang isang Agri Forum/ Summit and Capacity Development activities ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultur o Office of the Municipal Agriculturist (OMA) upang talakayin ang mga issues and concern ng sector ng Agrikultura na kinakaharap ng mga magsasaka, mangingisda, business sector, indibidual at ilang institusyon at i promote ang organikong pagsasaka.

WORLD FOOD DAY 2023

Ngayong araw, ika-16 ng Oktubre ay ipinagdiriwang sa buong mundo ang World Food Day (WFD) bilang paggunita sa pagkakatatag ng United Nations Food and Agriculture Organization (UN FAO). Ang tema ngayong taon ay "Water is life, water is food. Leave no one behind". Layunin nito na itaas ang kamalayan ng mga mamamayan sa kahalagahan ng pagkakaroon at pagpapanatili ng seguridad ng katubigan para sa food security sa kabila ng iba't-ibang banta kagaya ng paglaki ng populasyon o ang climate change.

RE-ORIENTATION ON THE DIFFERENT PROGRAMS UNDER THE FAMILY HEALTH UNIT

Oktubre 16, 2023

Nagaganap ngayong araw ang 2-day orientation sa iba't-ibang program sa ilalim ng family health unit na pinamumunan ni Bb. Ma. Joeanne M. Reyes, RN, MPH.

Dumalo sa pulong na ito ang mga kawani mula sa ating Municipal Health Office at mga Midwife. Nagsilbing resource speaker si Bb. Clarissa Palmiery, RN - AHDP Focal Person. Nagbigay naman ng pambungad na pananalita si Bb. Hazel Nuque bilang representante ng ating Punong Bayan.

FLAG-RAISING CEREMONY AT MORNING DEVOTION NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG INFANTA, QUEZON

Oktubre 16, 2023

Sa pangunguna ng tanggapan ng HRMO ay ginanap ang Flag Ceremony at Morning Devotion sa Infanta Social Center (Plaza) ngayong araw.

Nagbahagi ng salita ng diyos si Pastor Nathan Villafria at matapos nito ay ang mga pag-uulat at pagbibigay ng mga paalala ng iba't-ibang pinuno ng Tanggapan kaugnay ng mga aktibidad ngayong linggong ito.

PULONG SA PAGITAN NG BINULASAN TODA (BTODA) AT DINAHICAN TODA (DTODA) GINANAP!

Oktubre 13, 2023

Sa atas ni Punong Bayan Filipina Grace R. America ay nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan ng mga miyembro ng Binulasan TODA, Dinahican TODA, Sangguniang Barangay ng Dinahican at Binulasan na pinagitnaan ni Kons. Cherry Macasaet upang talakayin ang usapin patungkol sa hatian ng pasahero ng bawat TODA.

Dumalo rin sa pulong na ito ang ating Infanta Fuerza Poblacion na siyang mga nangangasiwa sa daloy ng trapiko sa ating bayan, mga opisyal mula sa Parent Teacher Association at Principal mula sa Binulasan Integrated School (BIS).

Payout ng Assistance to Individuals in Crisis Situation Program (AICS) para sa mga opisyal ng FISCA, ginanap!

Oktubre 11, 2023

Nagaganap ngayo ang isang payout ng Assistance to Individuals in Crisis Situation Program (AICS) mula sa DSWD para sa mga opisyal ng FISCA mula sa iba't-ibang bahagi ng ating bayan. Ang programang ito ay sa pakikipagtulungan kasama si Cong. Rodolfo "Ompong" M. Ordanes at mayroong 400 na benepisyaryo na makakatanggap ng dalawang libo (PHP 2,000.00) bawat isa.

PAGBABAKUNA SA MGA SENIOR CITIZENS KAUGNAY NG PROVINCE-WIDE FLU AT PNEUMOCOCCAL VACCINATION PROGRAM, NAGAGANAP

Oktubre 11, 2023

Bilang pagpupugay at pagbibigay ng halaga sa ating mga nakatatandang mamamayan, ang Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ng ating Punong Bayan Filipina Grace R. America ay nakiisa sa nagaganap na Province-Wide Flu & Pneumococcal Vaccination na isang adbokasiya ng Provincial Health Office at ng ating Gobernador Doktora Angelina Helen Tan.

Pages

Subscribe to RSS - News