QUEZON FIRST DISTRICT COCOLYMPICS 2023

Hulyo 18, 2023

Mga larawan kuha sa ginanap na Cocolympics 2023 na nilahukan ng mga bayan mula sa unang distrito ng Lalawigan ng Quezon. Ang aktibidad na ito na ginanap sa Northern Quezon Auditorium dito sa ating bayan ay bahagi ng mga patimpalak sa Niyugyugan Festival 2023.
Pinaglabanan ng mga kalahok ang mga sumusunod na laro:

- Coconut Relay
- Kapitan Levy Paragon Designing Contest
- Pamanang Luto Cooking Contest
- Agri-Henyo
- Farm Family Feud

Ang mga nagwagi ang ilalaban ng ating distrito sa Cocolympics Provincial Level Contest sa darating na Agosto 11, 2023 sa Lucena City.

Tags: