MUNICIPAL PORT PHASE 2 UPDATE

SETYEMBRE 20, 2022

Nasa final phase na ng konstruksyon ang gusali sa Brgy. Dinahican na kasama sa plano ng Lokal na Pamahalaan na Municipal Port Phase 2.

Ang Proyekto na ito ay may habang 20 metro at may lapad na 8 metro mula ito sa 20% Economic Development Fund o EDF at natukoy ng Municipal Development Council (MDC) kung saan ang ating Punong Bayan ang Chairperson. Ang proyektong ito ay iniimplement naman ng Tanggapan ng Pambayang Inhinyero.

Oras na matapos ang gusaling ito ay magkakaron ng himpilan ang ating PNP at Philippine Coast Guard upang magbigay ng seguridad sa ating mga kababayan na byahero lalo't higit sa mga mamamayan ng karatig bayan.

#MabuhayKaInfanta
#LGUInfantainAction
#ForGReAterInfanta

Tags: